Ang Kwento ni Christian at ni Eduard

Kamusta? Meron lang akong maikling kwento tungkol kay Christian at ni Eduard. Bago ko simulan ang kwento tungkol sa kanila ay gusto ko lang sabihin na sila ay magkaibang tao pero halos parehas na experience ang naranasan. Si Christian isang ordinary employee na isang kahig at isang tuka sa pagtatrabaho dahil sya ay breadwinner sa kanilang pamilya. Ibig sabihin nang isang kahig at isang tuka kung hindi mo pa masyado nauunawaan ang ganung term ay eksakto lang ang kanyang kinikita para sa pang araw-araw nilang pangangailangan na kung minsan ay kinukulang pa nga.

Si Eduard naman ay isang OFW na nanggaling din halos sa naranasan ni Christian pero sumubok na mangibang bansa para makipagsapalaran at mabigyan nang magandang buhay na pinapangarap ang kanyang pamilya. Malaki ang pagkakaiba ni Eduard at ni Christian, dahil si Christian at pinanganak na mahirap at para sa kanya at sa kawalan nang pag-asa ay sinabi nya sa sarili nya na baka mamatay na rin syang mahirap. Pero si Eduard naman ay di nawalan nang pag-asa at naghanap nang solusyon kung papaano masosolusyon ang kanyang problema. Nang makaipon si Eduard, naisip nya na di habang-buhay ay OFW sya at kailangan silang magkakasama nang kanyang pamilya sa hirap man o ginhawa. Sa Tibay at lakas ng loob ni Eduard ay nagdasal sya at humingi nang gabay sa amang lumikha at sumubok na mag-isip kung ano bang negosyo ang magandang pasukin para mamuhunan at mapalago upang hindi na muling bumalik sa pagiging empleyado o mangibang bayan.

Ilang negosyo din ang kanyang pinasok ngunit hindi rin naging maganda ang kinalabasan at sa huli ay nahirapan sya at di pa rin nya nagawang kumita ng malaki. Sumubok sya nang sumubok mula sa franchising, networking at selling at hanggang sa isang araw ay nakaisip sya nang isang solusyon kung papaano ba magkakaroon nang sarili nyang negosyo kung saan sya ang Boss at marami syang matutulungang ibang tao na gusto ring umasenso kagaya nya. Sa paglipas pa nang mga ilang taon, unti-unting lumaki ang kanyang negosyo at sya ay naging isa na ngayong milyonaryo. Dahil alam na nya ang gagawin nya kung papano, sinimulan nya na ngayong ituro at ipakilala ito sa kanyang mga kaibigan at sa mga kakilala at bagong kaibigan nang mga kaibigan nya. Ang tawag sa sistemang ito ay duplication. Watch here kung papaano nya nagawa ito.

Pero ano na nga ba ang nangyari kay Christian? Sa tagal na panahon nyang pagiging mahirap ay unti-unting na syang nag-iisip nang paraan kung papaano masosolusyunan ang kanyang problema. Hanggang sa isang kaibigan ang tumulong sa kanya at nagpakilala sa kanya kay Eduard at humanga sya sa mga nagawa nito at unti-unting inaplay ang kanyang mga natutunan sa mga turo ni Eduard. Medyo, duda pa nga si Christian, pero naisip nya na kung hindi nya susubukan ay hindi nya malalaman at baka bumalik nanaman sya sa pagiging mahirap kung hindi nya lalakasan ang loob nya na labanan ang kahirapan.

Ang tanong, sino ka sa dalawa? Si Christian ka ba o si Eduard? Sa puntong ito, gusto kong makita mo kung ano ang ginawa ni Eduard at kung papaano sya ngayon nagtagumpay sa kanyang negosyo. Watch the video at ikukwento nya mismo sa’yo ang kanyang success story.

Bago ko pala makalimutan, you can comment below kung anong masasabi mo sa kwento ko o sa napanood mong video. Anything na gusto mong malaman at kung may tanong ka ay willing akong sagutin sa abot nang aking makakaya. Hanggang sa muli!

 

 

Si Christian

Si Christian

Coach Eduard

 

Facebook Comments

Leave a Reply