Spoiled Brat Nga Ba Tayong Mga Pinoy?

Spoiled Brat Nga Ba Talaga Tayong Mga Pinoy?

Do you still remember yung “Larong Pinoy” na song na…

“Nanay Tatay gusto kong tinapay,
Ate Kuya gusto kong kape.
Lahat ng gusto ko ay susundin nyo…
Ang magkamali ay pipingutin ko…”
1, 1-2,m 1-2-3, (sabay clap ng hands) hanggang magkamali ka! 🙂

(Sounds Familiar Ba?)

That’s the generation before iphones, ipad/gadgets, Online games, etc.Alam kong isang simpleng kanta na nauso noong panahon panahon ng kabataan ko maaaring ikaw ay inabot mo din yung laro na yun? Pero alam mo bang may malalim pang kahulugan ang kanta na yun? Kung mapapansin mo sa lahat daw nang gusto ay susundin at kapag hindi naibigay yung gusto o magkamali ay pipingutin? Demanding yung batang nagpauso ng kanta na yun ha siguro isa syang spoiled brat? Pero di natin alam kung san nga ba history nung kanta nayun.

Anyway maiba lamg nang kaunti, sa kultura kase nating kayumanggi at sarat o pangong ilong culture (galing naman sa kanta ni Francis M. yun na “Tayo’y Mga Pinoy”), it’s ok for an adult children to still live in their parents’ house. Kung dmo pa alam sa US kase maagang natututong maging independent ang mga anak nila at bumubukod na kagad ng tirahan at naghahanap ng work to support themselves. Mabalik ako ulit dun sa culture natin, satin kase kadalasan pa nga may sarili ng pamilya pero nakatira pa rin sa bahay ng parents nya! Wala namang masama kung temporary lang pero di rin magandang tignan at dahil nasa bible yung aral na yun (pakitignan nalang sa verse na ito ng Old Testament Genesis 2:24). Isa kaseng pagpapatunay yun na they spoil their kids. Hindi tuloy natututong maging independent at minsan pa nga pinagmumulan pa ng ugat nang away kahit sa maliliit na bagay lalo na pagdating sa byenan (although di naman lahat ha) Unfortunately, there’s a drawback with this.These Children think life is easy because…”nandyan naman si Tatay e or “hihiram na lang muna ako kay mommy.” Do you get the point? Instead of maturing early and fast these children are trying to take the easy way out. Ang resulta? They become irresponsible, immature, and lazy. There has to be a clear line between “loving our kids” vs. “spoiling our kids.”Spoiling them is like telling them “life is easy.”

Is life easy? ABSOLUTELY NOT! We know that “Life is hard.” And preparing them in life is the best gift we can give to our Children.  Like in sports, if you train hard, the game will be easier.
And that’s what we need to do. Prepare them in life.And that’s what many successful Chinese business people do. Bata pa anak nila, pinagbabantay na sa tindahan o sa mge negosyo nila OJT (On-Job-Traning) na kagad.  Hindi mo ba napapansin kung bakit mas maraming chinese ang magagaling pagdating sa business? That’s why six of the top ten Billionaire in the Philippines are Chinese (Check mo dito). Not because they’re smarter than us at sadya nang mayaman ang kinalakihan nilang pamilya , but because they’re trained early in life. Sana maging ganun din sana ang prinsipyo nang mga bagong henerasyon ngayon at sana ay masimulan natin yun sa pagtuturo sa ating mga anak na maging independent hanggat maaga pa lang. Dahil sa mga kabataan ang pag-asa nang ating bayan.

Facebook Comments

Leave a Reply